Jeepneys (Filipino: Dyipni),
sometimes called simply jeeps (Filipino: dyip), are
the most popular means of public
transportation in the Philippines. They are known for
their crowded seating and kitsch decorations, which have become a ubiquitous
symbol of Philippine
culture and art. A Sarao jeepney was exhibited at the
Philippine pavilion at the 1964
New York World's Fair as a national image for the Filipinos.
Jeepneys were
originally made from U.S.
military jeeps left
over from World War II.
The word jeepney may be a portmanteau word – some
sources consider it a combination of "jeep" and "jitney",
while other sources say "jeep" and "knee", because the
passengers sit in very close proximity to each other. Most jeepneys are
used as public
utility vehicles. Some are used as personal vehicles. Jeepneys are
used less often for commercial or institutional use.
Mula naman sa literal nitong gamit at ibig sabihin ay ating alamin ang natatagong istorya na nasa likod nitong Dyipni ating basahin ang aking inihandang lathalain ukol sa Dyipni.
DYIP TATAK PINOY
Pasensyosong
sinusuyod hanggang sa kasulok-sulukan ng mga kalye makahanap lamang ng mga
pasahero at maihatid ang mga uto sa kanilang paroroonan. Maihahalintulad sa
buhay ng sangkatauhan kung saan tayo ang drayber ng ating sariling dyip at
hawak ang mismong manibela na nagdedesisyon kung saang direksyon tayo
papatungo. Tulad ng pagpapasada kung saan saan tayo napapadpad, hindi na rin
kasi maawat mga paa sa paglakad. Kung sinu-sino na mga taong nakaasaamuha, sa
kanilang iba't ibang kultura at paguugali ika'y mamanangha. "People come
and go!" Ika nga at tulad sa pagpapasada mga taong di mo kaano-ano iyong
makikita at makakasama, pero tandaang hindi sila pwedeng magtagal sa loob ng
dyip kinakailangan din nila na sayo ay mawalay upang ipagpatuloy kaniya-kaniya
niang mga buhay. Kaya't hindi talaga maiiwansan na ikaw ay kanilang maiwanan.
Mga
ilaw sa trapiko magsisilbing gabay kung kailan kelangan na huminto at
magbibigay sinyales na humayo ka na't umandar na. Mga bagay na sa iyo'y
nagpapasaya magsisilbing gasolina't inerhiya para sa tuloy-tuloy na pag
arangkada. Mga lugar na papupuntahan magiging tanda kung gaano na kalayo ang
iyong narating. Mga bako-bakong daan ay maihahalintulad sa mga problema't
pasakit ba iyong laampasan sa buhay. At tulad ng isang totoong dyip pagsapit ng
gabi'y ika'y nagpapahingat umuuwi sa sari-sariling kabahayan.
Ihalintulad
pa natin ang dyip sa ating sarili, parang katawan din iyan ng mga tao
tumatanda, nagkakaedad, nagagalusan din kung minsan, at may tamang panahon din
ng pamamahinga. Kaya't habang ika'y malakas pa maglakbay ka hanapin ang
pinupunto ng iyong puso. Humayo ka't umarakada! Huwag lamang mawalan ng kontrol
sa iyong manibela dahil kung nagkataon. Hala! Lagot ka!



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento